Saturday, May 30, 2009

RAIN RAIN GO AWAYYYY!

I HATE RAIN. I HATE THE SHITTY RAIN.


Plak. Plak. Plak. Plak. Plak plak plak plak plak plak plak. Mahina sa umpisa. Mamaya-maya ay bibilis na. Ganyan ang patak ng ulan. TSS. Nakakasar nga e. Kung kailan mo namang binalak na umalis saka siya bumagsak. Saka siya pumatak. TAKTE!~~~~



Sa pagkakataong ito. Hindi na ang ihi ang pinag-uusapan dito kundi ang ulan. Ang ulan na pinagbuntungan ng galit. Sino ba namang hindi magagalit di ba? Aalis ka pa lang. Ang suot mo ay magara para lang akitin ang iyong minamahal pagdating mo sa iyong pupuntahan pagkatapos mababasa lang ng isang malakas na ulan. Anak ng! Ano ba naman yun?


12:00 na. Naistuck ka pa sa labas ng village. Anak talaga ng! Ang kulit talaga ng ulan. Minalas nga naman ang taong matigas ang ulo. O tadhana! TSS. Boink! Sabay palo sa ulo.


Naghihintay ng isang pedicab para makabalik ng bahay pero ano dinaanan ka na ng maraming sasakyan na tinamaan ka pa ng tubig-baha sa katawan. POTA! Di na ako makapapigil. Nagpasundo na ako. Hay salamat! Nakauwi rin. Pagkauwi ko. Ala-una na ng hapon.


Nagmadali akong magbihis. Lahat na minadali ko. Sumakay na akong kotse para mabilis na makapunta sa pupuntahan. Mabilis naman ang biyahe. Sa awa ng Diyos!


Hayan na! Nasa Kostka na rin ako. Sa wakas! Ayan na talaga! Paakyat na ako ng hagdan. Hingal na hingal. Pawis na pawis. Lamig na lamig. Kinakabahan ako sa kahihinatnan ko. Ano kaya ang maaaring mangyari kapag nandoon na ako?!



Aba. Ayan na. Nasa harapan ko na ang pintuan. Tahimik ang lahat. Malamang dahil ang lahat ay sumasagot sa napakahirap na UPCAT Mock Exam. HA-HA-HA!

Tumigil ako sandali. Nagdadasal sa isip. Huminga ng malalim.


Ayan na! Binuksan ko na ang pinto. (The door creaked)

Hay dioskopo! Ang lahat ay tumigil sa pagsagot ng Exam at napalingon sa akin na parang ako ay iba. Pati kaya si JE? SANA NGA! Aysus! Nakakahiya nga naman. Ang hirap pang isara. PUTEK! Buti na lang at may mas nalate pa sa akin. Masaya at malungkot lang talaga ang buhay. Sadyang ganyan lang yan. Mapaglaro. Kaya huwag kang magpachillax chillax lang dyan sa kinauupuan mo. Mag-isip ka rin noh at kumilos kundi pawis na yang pwet mo kakaupo. Magkakaroon ka pa ng malaking pigsa. Masakit din yun. (Although hindi pa ako nagkakaroon nun. Ayon lang sa experiences ng iba) GOODLUCK sa paggamot mo niyan.


"Rain rain go away come again another day little children wants to play"
Ayan ang kantang dapat kantahin tuwing umuulan. O kung di ka pa kuntento gawin mo na yung Sun Dance ni John Lloyd at Sarah Geronimo para kunwari inlove ka rin. Effective yun after 5 mins. siguro basta mag-alay ka rin ng Itlog. Siguraduhin mo lang ha! HM.


[Pagpasensyahan mo na kung walang kwenta itong blog na ito. Basahin mo na lang. Wala ka nang magagawa. Hahahaha! Mukhang nabasa mo na eh. HAHAHAHAHA!]

ISTAIRSSSSS...

"J-J-J-J-EEEEEE!!!"
Plak. Plak. Plak. Alam mo yung naiihi? Kaso kailangang pigilan kasi nandun yung minamahal mo sa likod. At kailangan mo pa siyang titigan sa buong oras na inilaan para sa BREAK sa review. Tapos malalaman mong lalabas din pala siya. Dahil nga sa mga pangyayari kailangan mong tumakbo. Ayan na. Habang tumatakbo ka ay pakiramdam mong tumutulo na ang ihi mo. Ayan na. Plak. Tick. Plak. Tick. Plak. Tick. Ipagpatawad mo, aking panty.
Hay salamat! Ayan! Naabot ko na ang tagumpay! Nailabas ko na ang matagal ko nang pinipigilan sa loob ng dalawang oras kasabay ng pagtiis sa malamig na pwesto sa isang kwarto.
Pagkatapos mailabas yung dapat ilabas ay biglang may sumigaw ng "KRISTAAAAAAAAAAA!" Teka. Mukhang yung mga kaibigan ko yun ah. Tila nagmamadali. Bakit kaya? Ano bang nangyayari? Nakaramdam ako ng kaba. Bigla akong nagpanic sa di malamang dahilan. Dali-dali naman akong lumabas ng cubicle. WHEW! At sa wakas ng CR na rin.
Nagulantang ako sa aking nakita. May isang lalaking nakaitim na naka-sumbrero. Parang pamilyar ang ganoong kasuotan? Hindi kaya....s-s-si ano yun?
OHHHH MYYY GODDAAAA! S-S-Si J-J-J-J-EEEEEEEE yun ah!
Nang mga sandaling yun, tila lulundag na ang puso ko sa tuwa. Ang bilis nga lang niya maglakad. Hinabol ko siya. Ayan na. Nagmamadali na ang mga paa kong habulin siya. Pero... Ano ito? Mayroong tumulak sa akin. Isa sa mga kasama ko yun. Sigurado ako! Siguro si Karisse yun. Ang lakas kasi ng pwersa e. Hay nako! Nasira na tuloy ang pag-asang maabutan si JE. Teka. Nararamdaman kong bumabagsak na ako. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na kayang pigilan. Sa kasamaang plad, bigla akong nadapa sa isang hagdan! Muntikan na akong mabagok. WHEW! Hindi ako makagalaw. May nakakita kaya? Kung may nakakita man. Mga kaibigan ko lang kaya? O sana nga , LORD!
Sa wakas, nakabangon din ako. Asus! Si Margie pala ang tumulak sa akin. Ang lakas ha. Ayan. Wala na tuloy siya. Nakabalik na siya sa classroom. Sayang!
Habang nagtatawanan, habang humahakbang patungo sa classroom, nakakaramdam ako ng isang magandang sign. Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaking nakaitim na ang pagkakaalam ko ay si JE yun. Kaya abot-tainga na ang aking ngiti. SUCCESS!
Ang pagmamahal nga naman! WHOAH! Hindi mapipigilang kiligin! Pakiramdam ko tuloy kahit gaano ako kabigat ay lumulutang pa rin ako sa langit! TRALALALALALALALA!
HAHAHAHAHAHA! Iyon na ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko sa review. LAAAAB!

LOOOOOOVE is in the air. <3>