Tuesday, June 2, 2009

When I Met You!

Start of Review in Kostka
Align Left
OH MY GODDA! Ano na bang petsa ngayon? May 4,2009. TEKA. Alam kong June 3 ngayon. Pero ikkwento ko lang yung nangyari nung May 4. Alam kong it's too late. But please, pagbigyan niyo ako. PLEASEOHPLEASEOHPLEASE!~~~ Salamat sa mga uunawa.
So. Eto na. Sisimulan ko na. When I knew it was May 4, I panicked. I am really nervous and excited. Mixed emotions. I took a bath early in the morning. I really don't know what to feel. Kinakabahan kasi ako sa sinasabi nilang Exam. TSS. Tapos umalis na ako ng bahay 11:30. Ang aga di ba? Yun kasi ang usapan namin ng Bes ko! HAHAHAHA! Naexcite pa man din ako kasi akala ko makikita ko pa yung mga kaibigan ko. Sa kasamaang pala, di ko sila nakita. Huhuhuhu! Bakit? Ewan ko nga rin e. Kasi parang kumilos ang oras at kailangan nang pumasok sa loob ng Kostka lalo na nung dumating na yung kasama ko.
Medyo nahirapan din kaming hanapin ang room namin. Ang Kostka H. Yun pala nasa 4th floor. POOF! Nahirapan kaming umakyat ng hagdan. Nahirapan tuloy kaming mag-usap ng kasama ko. Pareho kasi kaming mataba kaya parang di namin mabuhat ang aming mga paa para umabot sa taas. Pero kinaya namin yun. Yun nga lang hingal na hingal kami at pinagpapawisan sa sobrang init.
WHEWWW! Nakamit na namin ang pinakamalaking tagumpay! Yuck. Akala niyo naman umakyat na kami ng kung anong pinakamataas na bundok sa buong mundo. Katulad na lang ng Mt. Everest. Hahahahaha! Yun pala. Hagdan lang yun at yung Kostka H room. Kahit sino naman makakaakyat naman talaga dun e. Nagpapalusot lang ako. Hehehe!
Isa pang tagumpay. Nakita na namin ang Kostka H. Nasa dulo ng 4th floor. Takot na takot kaming buksan ang pinto dahil sa mga tao doon. Yung mga klasmeyts namin. Onti pa lang ang tao doon. Pagpasok ko hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdam. Napakasaklap nga lang kasi di kami magkatabi ni Karisse. Aww. Magkabilang dulo kami e. Sayang.
TIC. TAC. TIC. TAC. TIC. TAC. TIC. TAC. TIC. TAC. TIC. TAC. TIC. TAC. TIC. TAC. TOE?
Hindi. hindi. Hindi ito yung laro. Ito yung tunog ng orasan.
Umaandar na ang oras. 1:00 na! OH MY GOD! This is the moment we're waiting for. TEKA. Nagsidatingan na ang mga klasmeyts namin. Tapos. Kami ni Karisse naghihintay ng gwapo. TEKA ulit. Napatingin ako sa isang lalaking dumating e. Hinahanap niya ang upuan niya. Nung una sa likod ko siya umupo tapos dun naman sa likod ni Karisse and finally dun sa 2 blocks away from me na upuan siya umupo. Yun na siguro yung tama niyang upuan. HM. Tinitigan ko lang siya. Nagtitigan din kami ni Karisse at tumawa. HAHAHAHAHA! Hindi ko tuloy alam kung gwapo ba yun o ano? Pero I swear from my heart nagbeat yung heart ko. HAHAHAHA! So all through out of the day tumitingin tingin lang ako sa kanya. HM.
"Your smile envelopes me, is this LOVE? I see you even when I close my eyes"
So. My heart, my mind, and my soul are still processing of such feeling. Is this a LOVE AT FIRST SIGHT?

No comments:

Post a Comment